Ni Clea Faye G. Cahayag
DUMATING sa lungsod ng Puerto Princesa nitong araw ng Miyerkules, ika- 13 ng Hunyo si United States Assistant Secretary of Defense Dr. Christopher Maier.
Siya ay malugod na sinalubong nina PLTCOL Rae Charles Dr Enrile, Commander, 2nd SOU-MG at CG Capt. Dennis Rem C. Labay, Commander, Coast Guard District Palawan (CGDPAL).
Batay sa impormasyon mula sa Palawan Maritime Pulis Sou ll, nandito ang opisyal dahil sa nagpapatuloy na Counter Narcotics Training na isinasagawa ng gobyerno ng United States (U.S) na nilahukan ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group at Philippine Coast Guard-Special Operations Force (CGSOF).
Ang pagsasanay na ito ay kinabibilangan ng Tactical Combat Casualty Care Procedures, Swimming Proficiency, Dive Equipment Familiarization, Basic Scuba Diving Course, Boat Maintenance, Basic Emergency Procedures, at iba pang Maritime Tactical Operations.
Ang naturang physical at skills training ay magtatagal ng dalawang buwan.
Binigyang-diin din sa pagbisita ng U.S Assist. Secretary of Defense ang mga karagdagan pang pagsasanay na ipagkakaloob pa rin ng U.S government at tiniyak ang patuloy na suporta sa Pilipinas partikular na sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga pagsasanay para lalong mapalakas ang kapasidad at kakayahan ng mga uniformed personnel ng bansa.