Ni Vivian R. Bautista
PINAG-AARALAN ngayon ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng United States of America (USA) ang posibilidad na magkaroon ng kasunduan sa layuning palakasin ang nursing industry sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala siyang nakikitang problema sa panukalang palakasin ang industriya lalo na ngayong kinakaharap ng Pilipinas ang kakulangan ng nars dahil karamihan ay nagtatrabaho abroad.
Aniya, ang mataas na sahod at mga benepisyo ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pinipili ng mga Filipino Nursing Student na mag-aral at magtrabaho sa ibang bansa.
“We do have a problem with our nurses leaving and going abroad and finding good jobs abroad. And we certainly encourage that; we’re not about to hold them back,” pahayag ng Pang. Marcos Jr. kay US Senator Tammy Duckworth na nagsagawa ng courtesy visit sa punong ehekutibo sa Malacañang Palace nitong araw ng Martes, ika-9 ng Agosto 2023.
“But we need to find these new schemes so that the brain drain is not quite severe as it is now. We have a shortage, I think, at every level in our healthcare system and much of the reason behind that is the talent leaving the Philippines to find better positions. But certainly, we should examine that,” dagdag pa niya.
Ito ang naging pahayag ng pangulo matapos umanong sabihin ni Duckworth na pinag-aaralan ng gobyerno ng US ang posibilidad na magpadala ng mga American nursing students upang mag-aral sa Pilipinas dahil binigyang-diin niya na ang mga Filipino nurses ay nakakapasa sa Licensure examinations para maging nars sa Amerika.
Nabanggit din ni Duckworth na mas marami silang mag-aaral ng nursing kaysa sa mga nursing educator.
“You know, it would be really interesting to see if we could send American students to nursing schools in the Philippines because, obviously, you’re teaching to a standard that they can meet licensure in the US. But we don’t have enough nursing programs in the United States,” ani Duckworth.
“So, we don’t have enough nursing educators in the United States because we just don’t have enough of them, and we have students who want to enter nursing schools but there are not enough space for them,” saad pa ng Senador ng Amerika.
Bukod sa pagpapalakas ng industriya ng nursing ng Pilipinas at US, sinabi rin ni Duckworth sa Pangulo na maaari ring magtulungan ang dalawang bansa para sa produkyon ng mga electronic vehicle batteries nang sa ganu’n ay matugunan ang malaking demand ng merkado ng Amerika.
Bagama’t wala pang konkretong plano sa panukala, naniniwala sina Pangulong Marcos at Duckworth na ang masabing panukala ay magkakaroon ng magandang bentahe para sa dalawang bansa dahil ito rin ang magpapatibay sa ugnayan ng US at Pilipinas.