PHOTO//WESTERN COMMAND ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Ni Vivian R. Bautista

DAHIL sa pagtutulungan ng United States at Western Command (WESCOM), pormal nang pinasinayaan at ibinigay sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Barangay Luzviminda ang isang Humanitarian Building/Disaster Relief Center, nitong ika-30 ng Mayo 2023.

Dinaluhan nina Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron; AFP Western Command (WESCOM) Head, Vice Admiral Alberto Carlos PN; Ensign Huy D. Duong, Platoon Leader ng US Naval Mobile Construction Brigade; at Chief Petty Officer Adam Merril ng US Pacific Fleet, na kumatawan naman sa US Military.

Ang proyektong Humanitarian Building/Disaster Relief Center ay magsisilbing mahalagang imprastraktura para sa disaster relief at humanitarian aid nang sa gayon ay mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga lugar na nasasakupan nito. Ito ay resulta ng pagtutulungan at partnership ng U.S. Military at AFP Western Command (WESCOM).

“We must work together, across all sectors, to strengthen our community’s resilience and enhance our capacity to respond effectively to any future disaster that come our way”, ani VAdm Carlos sa kanyang mga pahayag sa seremonya ng pag-turnover.

Ang matagumpay na pagkumpleto ng proyektong ito ay isang patunay ng malakas ang partnership at pagtutulungan ng US Military at AFP.

Author