Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Metro Puerto
  • Update sa Flood Control Project ng City Government, inilatag
  • Metro Puerto

Update sa Flood Control Project ng City Government, inilatag

Repetek News

January 28, 2025 3 minutes read
repetek

Pinuna ni dating Konsehal Atty. Peter ‘Jimbo’ Maristela ang umano’y ilang taong nakatenggang flood control project ng city government partikular sa barangay San Pedro, lungsod ng Puerto Princesa.

Aniya, noong siya ay kasalukuyan pang nakaupo bilang City Councilor, ang proyekto ay pinondohan ng 120 milyong piso.

“Siguro mga apat na taon na habang tayo ay dumadaan dito sa Peneyra Road ay nakikita natin ito [mga nakatambak na culvert]. Ano na nga ba ang development nito?”

Ang alam ko po, Konsehal pa ako noon, ito ay napondohan ng P120 milyon para sa flood control dito sa Barangay San Pedro partikular dito sa Peneyra Road hanggang bago dumating doon sa Libis Road,” ayon sa dating konsehal.

Dahil dito, nagbigay ng update ang City Engineering Office patungkol sa estado ng proyekto.

Ayon kay Engr. Kenneth Alcala, Project-in-charge ng nabanggit na proyekto, nakapaglagay na ng mga culvert sa Ligaya Road, Camacho Rd. hanggang Libis Rd. patungong Factor Rd, pinakadulong bahagi ng proyekto.

“Sa ngayon po, ‘yun ang nagawa sa project at tinambakan natin ‘yun at mayroon tayong mga pini-prepare na road at may mga nasemento na sa bandang Ligaya at Factor road. Ngayon po, on going ang pagsesemento sa Factor road,” ang pagbibigay update ni Alcala sa Flood Control Project.

Aniya, ang groundbreaking ng proyekto ay nangyari noon pang Enero 15, 2021, at buwan ng Abril naman nasimulan ang implementasyon nito.

Matatandaan, alinsabay sa paggulong ng proyekto ang mga ipinaiiral na community quarantine bilang pag-iingat sa pagkalat ng Covid-19 kaya naman nagdulot ito ng delay sa implementasyon.

Maliban dito, may mga land owners din umano ang nagreklamo hinggil sa proyekto.

“During ng time na ‘yun [mayroon] tayong mga GCQ, ECQ. Medyo nahirapan tayo sa pag-mobilize ng mga tao sa paggawa at may mga restrictions du’n sa ating mga materyales. ‘Yun po ang naging initial na takbo ng project.

During implementation, dapat mag-start kami, [mayroon] pong mga ilan na nag-oppose na establishment kasi ang outfall po ng ating project which nandoon sa national highway,” paliwanag ni Alcala.

Personal naman na tinungo ni City Information Officer Richard Ligad ang lugar kung saan inilalatag ang flood control project at para na rin magbigay ng karagdagang update sa publiko kaugnay sa estado nito.

Aniya, simula Peneyra Rd. papuntang Libis Rd. ay nalagyan na ng box culvert.

“Buhat dito sa Peneyra road, Ligaya Street tagos d’un sa libis ay mayroon ng box culvert na malalaki na nakabaon, so at least, gumugulong na kung makikita [ninyo] ang trabaho sesementuhin na rin nila ‘yun hanggang doon— [iyon ang] mga bahagi ng ating flood control project,” ayon kay CIO Ligad.

Dahil sa konstruksyon ng proyekto, kalahating bahagi lamang ng Peneyra Rd. ang maaaring daanan.

Inirekomenda naman ng opisyal ang paghahanap ng alternatibong ruta para bigyang-daan ang nabanggit na proyekto.

“Konting sakripisyo lang po tayo ‘pag ginagawa natin ang proyekto ng ating gobyerno dahil kapag natapos naman ito kaginhawaan naman ang maidudulot nito sa atin,” pakiusap ng opisyal.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Tanod, isinuko ang homemade shotgun sa pulisya ng Busuanga
Next: Insentibo para sa mga Purok President, isinusulong ng isang kagawad

Related News

FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
2
  • Headlines
  • Metro Puerto
  • Police Report

Nahulog sa ginagawang kalsada?

Repetek News

August 21, 2025
ctmo
  • Headlines
  • Metro Puerto

‘Best practices’ ng ibang LGUs, nais matutunan ng city gov’t

Clea Faye Cahayag June 17, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.