PUERTO PRINCESA CITY— Nagsagawa ng pagpupulong ang National Irrigation Administration (NIA) Region 4B na pinangungunahan ni Regional Manager Engr. Ronilio M. Cervantes kasama si EOD Manager Engr. Lowell L. Lozano nitong Marso 11, 2024.
Layunin ng pagpupulong na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Rice Contract Farming Scheme sa rehiyon ng MIMAROPA kaya’t kaisa nila rito ang
ang kanilang Technical Working Group (TWG) kasama ang mga focal person nito upang dinggin ang nasabing usapin sa ilalim ng NIA Farming Support Project/Contract Farming.
Sa kaganapan, binigyang-diin ni Cervantes ang pangangailangan para sa pagsusumite ng mga kinakailangang datos na magsisilbing isa sa mga batayan sa paghahanda ng mga dokumento sa pag-bid tulad ng mga gustong uri ng palay na magagagamit ng mga magsasaka sa loob ng kani-kanilang sakahan na sakop ng IMOs.
Tinuran naman nina Lozano at Operations Unit Head Engr. Edgard Laurenz M. Geronimo na ang listahan ng mga Irrigators’ Associations na magiging benepisyaryo ng programa ay tiniyak na ang mga kasamahang asosasyon ay handa na umanong makibahagi rito.
Samantala, napagkasunduan sa huli na ang mga kinakailangang datos ay ipapasa sa Regional Office sa loob ng itinakdang araw na kung saan si EOD Manager Engr. Lowell L. Lozano na magsisilbi rin bilang Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson, ay nangakong pabibilisin ang paghahanda ng mga dokumento sa bidding.
Tiniyak niya sa grupo na ang mga mahahalagang dokumentong ito ay makukumpleto at maipapaskil sa Philippine Government Electronic Procurement System (PHILGEPS) sa loob ng kasalukuyang linggo.