PUERTO PRINCESA CITY — Ipinamahagi ang nasa isandaang (100) piraso ng Malasakit Help Kits na naglalaman ng sari-saring sweets tulad ng tsokolate at lollipop sa mga pasahero ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines – Puerto Princesa International Airport (CAAP-PPIA) ngayong araw ng mga puso, Pebrero 14, 2024.
Ayon sa CAAP-PPIA, ang pagpapalaganap ng tamis sa Paliparan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tsokolate ay bahagi umano ng Oplan Byaheng Ayos: VALENTINES 2024.
Bukod sa mga aalis na magsing-irog, nakatanggap din ng parehong Malasakit Help Kits ang mga Senior Citizen, bata, lalaki at babae.