Photo courtesy | PIO WESCOM

Itinalagang bagong Deputy Commander for External Defense Operations (EDO) ng Western Command (Wescom) ng Armed Forces of the Philippines si Capt. Charles Merric A. Villanueva na papalit kay Commodore Constancio Arturo Reyes.

Ginanap nitong Disyembre 29, nitong nakaraang taon ang seremonyas sa headquarters ng Western Command na pinangunahan ni WESCOM Commander Vice Admiral Alfonso F. Torres Jr. PN.

Nagpaabot naman ng pagbati si VADm Torres sa dalawang matataas na opisyal ng Hukbong Sandatahan ng bansa para sa huwarang serbisyo at pamumuno.

Ayon sa Wescom, ang nabanggit na kaganapan ay nagmarka ng mahalagang pagsasalin ng pamumuno sa loob ng ahensiya na nagpapatibay sa layuning pangalagaan ang pambansang seguridad ng bansang Pilipinas.

Si Capt Villanueva ay dating nagsilbing Deputy Commander ng Fleet Operations ng Naval Forces West habang si Commo. Reyes ay madedestino naman sa Mindanao Region para gampanan ang kaniyang bagong tungkulin bilang Commander ng Naval Forces Eastern Mindanao.