Ni Marie Fulgarinas
Dahil sa patuloy na pananalasa ng Habagat nitong magdamag, tinangay ng malakas na hangin ang lumang waiting shed sa harap ng nabanggit na eskuwelahan, ayon sa ulat.
Sa online post ng We R1 at your service, iniulat sa publiko na tinangay ang nasabing pasilungan bandang madaling araw, Linggo, Setyembre 15, na kung saan makikitang nakaharang ito sa bahaging outer lane ng kahabaan ng National Highway, Bgy. Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa.
Samantala, pinag-iingat naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang publiko ngayong tag-ulan dahil sa posibleng trahedya dulot ng masamang panahon. Kaugnay rito, inanunsiyo naman ng NDRRMC, sa pamamagitan ng text blast, na asahan ang matinding tag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa. Kasalukuyan pa ring nasa Red Rainfall status ang mga lalawigan ng Palawan at Occidental Mindoro.