REPETEK NEWS | Patuloy na ikinakasa ng Puerto Princesa City Traffic Management Office o CTMO ang kampanyang kontra colorum sa lahat ng mga pampasaherong tricycle na namamasada sa kabila ng walang kaukulang prangkisa.
Sa information update ng We R1 At Your Service, makikitang impounded ang ilang tricycle sa Rotonda area ng PalwanSU Puerto Princesa Campus at Balayong Peoples Park sa kadahilanang walang maipakitang “franchise permit to operate” ang mga drayber nito.
Sa mga naunang artikulo ng
Repetek News
, iniulat dito na mahigpit na ipinatutupad ang kampanya kontra colorum sa lahat ng mga pampublikong sasakyan sa Puerto Princesa upang masugpo ang pagdami ng mga sasakyang walang kaukulang dokumento at mga krimen na nauugnay rito.