GINANAP MULI sa Lungsod ng Puerto Princesa ang World Table Tennis (WTT) Youth Contender simula nitong Pebrero 12 hangang ika-15 ng buwan, taong kasalukuyan.
Tinatayang aabot sa 200 atleta ang lumahok mula sa labing-isang (11) bansa na kinabibilangan ng Sri Lanka, Chinese Taipei, Malaysia, Hungary, Australia, India, Maldives, Hongkong, Thailand, Singapore at Pilipinas.
Mula labing-isa (11) hanggang labingsiyam (19) na taong gulang ang mga kalahok na naglaban-laban sa labindalawang (12) events ng WTT.
Binuksan ang palaro nitong Pebrero 12 sa ganap na ala-singko (5:00 PM) ng hapon.
Ayon sa mga organizers, karamihan sa mga kalahok na atleta ay tatagal sa lungsod para mag-tour o magbakasyon kasama ang kanilang pamilya. Bagay na dagdag atraksiyon sa lungsod ng Puerto Princesa para tanghaling isa sa Sports Tourism Capital ng Pilipinas.
Ito na ang ikatlong taon ng pagsasagawa ng WTT sa lungsod, mas napaaga ang torneo ngayong taon dahil sa magaganap na halalan.
Samantala, nagkaroon naman ng Table Tennis Clinic para sa lahat ng interesado na kung saan ay mismong mga Pinoy Coaches ng National Team ang magtuturo ng laro.