Photo courtesy | WESCOM

PUERTO PRINCESA CITY — Isang mural activity ang sinimulang isagawa sa loob ng pasilidad ng AFP Western Command (WESCOM) partikular na sa parteng granstand nitong Nobyembre 25, 2023.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng WESCOM sa pangunguna ni Vice Admiral Alberto Carlos PN, na kung saan ay nilahukan ito ng ibat ibang mag-aaral at mga guro mula sa mga paaralan ng WESCOM Elementary School, San Miguel National High School, at Palawan National School.

“The purpose of this initiative was to further promote awareness and understanding of the West Philippine Sea (WPS) among the younger generation. Through vibrant murals, these students were able to express their creativity while also learning about the significance of the West Philippine Sea”,

ani Vice Admiral Carlos habang natutuwa sa kahanga-hangang mga naipinta na may mga tema na hango sa WPS.

Ayon sa WESCOM, patuloy parin umanong ginagawa ang nasabing aktibidad dahil mas maraming mural ang nakatakdang pintahan sa mga konkretong bakod ng Paaralan ng WESCOM.

“Through artistry and education combined, we hope to make significant strides in raising awareness about the West Philippine Sea among both young minds and local communities alive”, dagdag ni Vice Admiral Carlos.

Ang nilalayong pagpapalawak na ito ay nagpapakita ng pangako ng WESCOM sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapahalaga sa mga karapatan at soberanya ng ating bansa sa mga katubigang sakop ng WPS.

Ang nasabing aktibidad ay nagpapakita ng dedikasyon nito sa pagpapaunlad ng isang matalino at responsableng mamamayan.