Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Business
  • โ€˜Island food preparationโ€™ sa El Nido, ipinatigil ng lokal na pamahalaan
  • Business
  • Environment & Tourism
  • Palawan Affairs

โ€˜Island food preparationโ€™ sa El Nido, ipinatigil ng lokal na pamahalaan

Vivian Bautista May 23, 2023 2 minutes read
IMG_20230527_125319

PHOTO//MUNICIPAL GOVERNMENT OF EL NIDO

Inanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng El Nido ang lahat ng Travel and Tours at Boat operators sa isang pagpupulong hinggil sa usaping โ€˜Island Food Preparationโ€™ na ginanap nitong nakaraang Biyernes, ika-19 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Ang nasabing pagpupulong ay may kaugnayan sa kamakailang pagbisita ni Department of Health (DOH) โ€“ Officer-In-Charge (OIC) Secretary Ma. Rosario Vergeire sa nabanggit na bayan na kung saan ay tinalakay ang usapin ukol sa kaso ng Acute Gastroenteritis o AGE sa lugar, kamakailan.

Ayon sa kanilang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Health Office Sanitation ay tumataas โ€˜di umano ang kaso AGE sa lugar kayaโ€™t napagpasyahan ng pamunuan ng DOH na itigil ang lahat ng island-hopping food handling o paghahanda ng mga pagkain habang nagsasagawa ng โ€˜island-hoppingโ€™ sa bayan ng El Nido.

Sa Facebook post ng Municipal Government of El Nido, nais ni Sec. Vergeire na lutasin muna NG nasabing bayan ang ukol sa kaso ng Acute Gastroenteritis sa loob ng tatlong (3) buwan.

Ang AGE ay isang karaniwang nakakahawang sakit o syndrome na nagdudulot ng ng pagduduwal, pagsusuka, pagdudumi, at pananakit ng tiyan, na kadalasang sanhi ng bacterial o viral tummy bug.

Kaugnay nito, sinasabi ng mga โ€˜health expertsโ€™ na ang AGE ay nangyayari kapag ang pagkain o tubig ay nalagyan ng mga pathogenic microorganism gaya ng Clostridium perfringens, Vibrio cholera, E. coli.

Samantala, tinanggap naman ng mga lokal na opisyal ng El Nido ang hamon at pinangunahan ang mga hakbang upang agad na malutas ang usapin.

Bukod dito, ang pagbabawal sa paghahanda ng pagkain sa mga island-hopping tour ay isa lamang sa maraming hakbang na napagkasunduan ng lokal na pamahalaan at mga island operators na ipatupad sa lalong madaling panahon.

โ€œAlthough the main course is planned ahead through the El Nido Rehabilitation Task Force o ENRTF which takes charge of the overall rehabilitation matters which includes water quality, wastewater discharges, solid waste management, and compliance, all related to environmental protection, and the like,โ€ saad ng tanggapang pang-impormasyon ng bayan ng El Nido.

โ€œSeemingly, taking relative considerations prior to the implementation of such a move, the local government is set to provide transparent alternative solutions to balance the wave of the situation which may swiftly shift to better the island experiences of the visiting tourists,โ€ dagdag ng tanggapan.

Author

  • Vivian Bautista
    Vivian Bautista
    View all posts

About the Author

Vivian Bautista

View All Posts

Post navigation

Previous: ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ฒ’๐˜€ ๐—ฃ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜, ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ผ.
Next: ๐— ๐—š๐—” ๐——๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—–๐—˜๐—ฆ๐—”

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” โ€“ GARCIA

Recent Comments

  1. Provโ€™l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” โ€“ GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.