Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Environment & Tourism
  • π—£π—œπ—¦π—§π—” 𝗬’ π—”π—‘π—š 𝗖𝗨𝗬𝗒𝗑𝗒𝗑, 𝗦𝗔 π—”π—šπ—’π—¦π—§π—’ 𝟰 𝗑𝗔!
  • Environment & Tourism
  • Metro Puerto

π—£π—œπ—¦π—§π—” 𝗬’ π—”π—‘π—š 𝗖𝗨𝗬𝗒𝗑𝗒𝗑, 𝗦𝗔 π—”π—šπ—’π—¦π—§π—’ 𝟰 𝗑𝗔!

Repetek News

May 24, 2023 2 minutes read
IMG_20230527_131338

PHOTO//PUERTO PRINCESA TOURISM

Ni Clea Faye G. Cahayag

INAANYAYAHAN ng City Government of Puerto Princesa ang mga mamamayan ng lungsod na makiisa sa pagdiriwang sa Pista Y’ Ang Cuyonon sa darating na Agosto 4, 2023 na may temang β€œPamaliquid sa Culturang Cuyonon”.

Sa ilalim ng selebrasyong ito, mayroong inihandang mga patimpalak ang City Tourism Department katuwang ang Cuyonon Council of Puerto Princesa.

Una rito, ang Drum and Lyre Competition na may premyong naghihintay na P50,000.00 para sa 1st prize; P30,000.00 para sa 2nd prize; P20,000.00 para sa 3rd prize; at magkakaloob ng tag-P10,000.00 para sa pitong (7) consolation prizes.

Ito ay bukas para sa lahat ng antas sa elementarya ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod. Ang piyesa ay kinakailangang mayroong tatlong (3) musikang Cuyonon. Ang bawat pangkat ay binubuo ng hindi bababa sa apatnapung (40) partisipante at hindi lalagpas sa isang daan (100).

Ang application form ay makukuha sa tanggapan ng Turismo at dito rin isusumite simula nitong ika-2 ng Mayo hanggang ika-7 ng buwan ng Hulyo 2023.

Pangalawa, ang Cuyonon Vlog Contest na may premyong P30, 000.00 para sa 1st prize; P20, 000.00 sa 2nd prize; at P10, 000.00 para sa 3rd prize. Bibigyan din ng 5, 000.00 pesos ang pitong (7) mag-uuwi ng consolation prizes.

Diyalektong Cuyonon ang gagamitin sa patimpalak at kinakailangan may salin (subtitle) sa wikang Ingles. Ang paksa naman ay tungkol sa mga katutubong kultura ng Cuyonon.

Ang pagpapatala ng entry ay sa pamamagitan ng google form na makikita sa Puerto Princesa Fan Page at ang deadline ay sa Hulyo 7, 2023.

Pangatlo, ang β€œKaansianuan Nga Mga ATI” na may gantimpalang P30, 000.00 para sa 1st prize; P20, 000.00 para sa 2nd prize; at P10, 000.00 sa 3rd prize. Mayroon ding matatanggap na tag-3, 000.00 pesos ang pitong (7) mag-uuwi ng consolation prizes.

Ang mga kalahok ay kailangang magdala ng patunay ng kanilang edad at patunay na residente ng lungsod sa araw ng pagpapatala tulad ng Birth certificate, Barangay Certificate, at anumang uri ng valid Identification (ID) card.

Ito ay bukas para sa lahat ng 18 taong gulang pataas. Ang bawat pangkat ay binubuo ng 15-20 miyembro at mayroong tatlo (3) hanggang limang (5) minutong presentasyon.

Maaaring personal na magpatala sa tanggapan ng turismo o sa pamamagitan ng e-mail ([email protected]) simula ika-5 hanggang ika-15 ng Hulyo 2023.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: π— π—šπ—” π——π—˜π—©π—˜π—Ÿπ—’π—£π—˜π—₯𝗦, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š π—‘π—š π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—¨π—˜π—₯𝗧𝗒 𝗣π—₯π—œπ—‘π—–π—˜π—¦π—”
Next: π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—” 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—₯π—œπ—­π—”π—Ÿ, π—£π—œπ—‘π—”π—žπ—”π—Ÿπ—’π—’π—•π—”π—‘ π—‘π—š π—¦π—’π—Ÿπ—”π—₯ 𝗗π—₯π—¬π—˜π—₯

Related News

FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Provincial Tourism
  • Environment & Tourism
  • Palawan Affairs

Tututukan ang turismo

Saldivar Nagamacho September 19, 2025
2
  • Headlines
  • Metro Puerto
  • Police Report

Nahulog sa ginagawang kalsada?

Repetek News

August 21, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.