Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Metro Puerto
  • TESDA, nagbabala sa publiko kontra pekeng natโ€™l certificates
  • Metro Puerto
  • Palawan Affairs

TESDA, nagbabala sa publiko kontra pekeng natโ€™l certificates

Clea Faye Cahayag July 20, 2023 2 minutes read
TESDA, nagbabala sa publiko kontra pekeng natโ€™l certificates

PHOTO || REPETEK NEWS TEAM

NAGBABALA sa publiko ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA kaugnay sa mga pekeng National Certificates (NCs) na ibinebenta online.

Sa ginanap na Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA) nitong araw ng Miyerkules binigyang diin ni TESDA- Palawan Provincial Director Vivian Abueva na hindi ipinagbibili ang mga NCs.

Aniya, ang tanggapan lamang ng TESDA ang nagkakaloob ng sertipikasyong ito sa mga kwalipikadong indibidwal na dumaan sa national competency assessment.

โ€œPag sinabing national certificate, nag-undergo po ito ng national competency assessment doon sa mga accredited assessment centers natin and being conducted by accredited competency assessors.

They really underwent doon sa proseso na NC ll holder and they qualify to become assessors. Hindi po si TESDA ang nakaconduct doon, ito yung mga nasa area talaga– accredited competency assessors in their specialized fields ang tawag natin,โ€ paliwanag nito.

Dagdag pa ng opisyal para matukoy kung totoo ang inisyung national certificate maaaring magtungo sa kanilang website (www.tesda.gov.ph) at punan lamang ang mga hinihinging impormasyon.

โ€œWe have that sa website namin, i-click niyo lang ang verification, i-encode ang mga data na ibinigay sa inyo. Halimbawa kung NC ll holder, meron siyang national certificate, you want to verify kung talagang totoo ito. Punta lang kayo sa website, lahat ng hinihingi na data doon sa website halimbawa anong pangalan nito, i-encode niyo doon, kailan yan, anong qualification, anong course, i-feed niyo lang doon pag hindi lumabas yan –peke yan,โ€ binigyang diin ni Abueva.

Ang national certificate ay inirerequire ng isang employer lokal man o nasyunal bilang patunay na ang nag-aaplay na indibidwal ay may kakayahan sa pinasok na partikular na trabaho.

Ang NC ay may bisa sa loob ng limang taon.

About the Author

Clea Faye Cahayag

Author

View All Posts

Post navigation

Previous: ๐—ฃ๐—–๐—ฆ๐——๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ-๐—•๐—ฎ๐—ท๐—ฎ, ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น, ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป
Next: Tommy โ€˜Bigwasโ€™ Abile, pumanaw na!

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” โ€“ GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” โ€“ GARCIA

Recent Comments

  1. Provโ€™l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” โ€“ GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.