Zero crime incidents nitong Undas
Photo Courtesy: Repetek
Ni Samuel Macmac
Nakapagtala ang Police Regional Office (PRO) MIMAROPA ng zero crime incidents sa buong rehiyon sa paggunita ng Undas 2026.
Sa pinaigting na seguridad at mahigpit na pagpapatupad ng kaayusan sa buong rehiyon, nagsagawa ang pulisya ng masinsinang pagpapatrolya, nagtalaga ng karagdagang mga pulis sa mga pangunahing lugar na dinadagsa ng publiko, at naglatag bg Police Assistance Desks.
Bukod sa naitalang zero crime incidents ngayong Undas, nagtala rin ng pagbaba sa krimen sa rehiyon batay sa datos mula Mayo 8 hanggang Nobyembre 3, 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
Sa tala ng pulisya, bumaba ang kabuuang bilang ng krimen mula 3,050 kaso noong 2025 sa 2,692 kaso ngayong 2026 o 11.74 porsyento, katumbas ng 358 mas kaunting insidente.
Pinuri ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director, ang lahat ng yunit ng pulisya dahil sa kanilang masinsinang pagbabantay na nagresulta sa mapayapa at ligtas na paggunita ng Undas 2026 matapos magtalaga rin ng halos 3,000 pulis para tiyakin matiyak seguridad at kaayusan sa buong rehiyon.