November 6, 2026

Tasahin ang programang pautang sa produksyon ng palay at mais

0
FB_IMG_1793930415237

Ni Albert Villamor Jr.

Nanawagan si Board Member Rafael Ortega Jr. na magtipon ang mga Conduit Cooperative ng programang pautang para sa palay at mais sa Palawan, para sa masusing pagtatasa o assessment sa pautang programs.

Dapat pangunahanng Office of the Provincial Agriculturist ang anumang pagtitipon hinggil dito.

“Ang layunin ng pagtitipon na ito ay upang magkaroon ng isang masusing pagtatasa o assessment hinggil sa kanilang mga karanasan, hamon, at tagumpay sa pagpapatakbo ng naturang programa, upang makita ang mga kinakailangang pagsasaayos na dapat gawin para lalo pang paigtingin ang mga nasabing programa ng pamahalaang panlalawigan,” ayon kay Ortega.

Ilan sa mga benepisyo ng Programang Pautang sa Palay at Mais ay: puhunan para sa binhi, pataba, at pestisidyo na kailangan ng mga magsasaka para sa produksyon.

“Ako po ay naniniwala na ang ating mga magsasaka ang tunay na haligi ng ating ekonomiya. Kung wala sila, wala tayong pagkain sa ating mga hapag, wala tayong seguridad sa pagkain, at wala tayong matibay na pundasyon ng kaunlaran,” ani Ortega.

“Ang programang pautang para sa palay at mais ay isang makabuluhang hakbang, ngunit ito ay dapat patuloy na pinapahusay, pinapalakas, at pinapalalim,” saad ulit ni Ortega Jr. sa kanyang talumpati na ngayon ay ni-refer na sa Committee on Agriculture na kanya ring inuuluhan.

Para kay Ortega, kailangang alamin ang: pagkilala sa mga karanasan ng conduit cooperatives; pagkilala sa mga hamon ng mga magsasaka; at pagbuo ng mga rekomendasyon at adjustment.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *