November 15, 2026

Bangkay na isang taon nang nakalibing, tinangay ng alon

0
FB_IMG_1794706734607

Photo Courtesy: Cherrie Fooro

Ni Rodolfo Idusora

BABALA: Sensitibong larawan at paksa. Maging disente sa pagkomento.

Tinangay ng malalakas na alon ang isang bangkay na halos isang taon nang nakalibing sa sementeryo ng Barangay Langogan, Puerto Princesa City.

Ayon kay Cherrie Pabalate Fooro, nangyari ito bunsod ng patuloy na pagkasira ng sementeryo dahil sa malalakas na hampas ng alon nitong mga nakalipas na araw.

Patuloy namang kinikilala ng mga awtoridad ang mga labi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.

Dahil sa insidente, pinaalalahanan ang mga residente na may mga mahal sa buhay na nakalibing sa nasabing sementeryo na agad na suriin ang kalagayan ng mga puntod upang matiyak na hindi rin naapektuhan ng pagguho at paghampas ng mga alon.

Samantala, kumikilos na rin ang pamunuan ng Barangay Langogan upang matugunan ang problema. May natukoy na ring lugar na maaaring paglipatan ng sementeryo upang maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.

Patuloy namang pinapayuhan ang mga pamilya na bantayan ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay habang nagpapatuloy ang pagkasira ng sementeryo dahil sa malalakas na alon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *