PALAWAN, Philippines — ‘Top destination’ ang Lungsod ng Puerto Princesa sa buong Mimaropa Region nitong taong 2023, ayon sa TourLISTA report ng Kagawaran ng Turismo o Department of Tourism (DOT).
Sa Facebook post, ibinahagi ng tourism office na nakuha ng lungsod ang pinakaunang puwesto sa listahan na sinusundan ng bayan ng El Nido at Coron, Palawan.
“With the effort of the whole Puerto Princesa Tourism Industry, we bagged the number 1 spot for 2023 in the region,” pahayag ng tanggapan ngayong Miyerkoles, Pebrero 14.
Sa kabilang dako, ika-apat sa listahan ang bayan ng Puerto Galera ng lalawigan ng Oriental Mindoro na sinusundan ng San Vicente, Lungsod ng Calapan, San Jose, Bulalacao, Pinamalayan, at bayan ng Linapacan.
Sa kabuuan, apat na bayan mula sa lalawigan ng Palawan maliban sa Lungsod ng Puerto Princesa ang napasama sa listahan ng ‘top destination’ sa Rehiyon 4b.