October 24, 2026
1792741049846

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Himas-rehas ang dalawang lalaki nang masakote sa operasyon na pinangunahan ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) at masabat ang fuel tangker na may kargang P6,000 litro ng diesel.

Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Roy”, 46-anyos na driver, at “Bert”, 20-anyos, helper. Sa operasyon ng pinasanib na puwersa ng Brooke’s Point MPS, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) at 1st Palawan Provincial Mobile Force Company, pinahinto ang isang puting SINOTRUK tanker, kung saan bigong magpakita ng kaukulang dokumento ang driver at helper para sa transportasyon ng produktong petrolyo.

Nasa Brooke’s Point MPS ang mga suspek, kasama ang tanker at kargamento para sa dokumentasyon at imbstigasyon. Tinatayang P99 kada litro ang halaga ng diesel na umabot s P594,000.00.

Samantala, sinusuri ng mga awtoridad ang pinagmulan, pagmamay-ari, at destinasyon ng produkto, gayundin ang posibleng paglabag sa Presidentila Decree No. 1865.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *