October 24, 2026
1792741308352

Photo Courtesy: Repetek

Repetek News

Kasalukuyang isinasagawa ang Puerto Princesa City Investment Forum sa Conrad Manila na may layong maipakita sa mga posibleng mamumuhunan ang mga negosyo at aktibidad na maaring simulan at kung bakit dapat isama ang lungsod sa isasaalang-alang na destinasyon ng kapital.

Makikita sa presentasyon ni City Mayor Lucilo R. Bayron na hindi lamang sa industriya ng turismo maaring namuhunan; kasama dito ang seafood value chain; urban development, housing at real estate; transport, infrastructure at ulitilities; at information communication technology/ BPO.

Ipinakita din ang potensiyal ng Santa Lucia Environmental Estate na isang Tourism Enterprise Zone sa ilalim ng TIEZA.

Binabalak ang pagtatayo dito ng convention center na may kapasidad na 10,000 hanggang 15,000 tao na mangangailangan ng mga bagong negosyo sa loob ng environmental estate may kaugnayan sa akomodasyon, pagkain, turismo, pasyalan, transportasyon bilang parte ng programang MICE o Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *