October 31, 2026
FB_IMG_1793335235843

Photo Courtesy: REPETEK

Ni Albert Villamor Jr.

Tumaas na sa ₱14 mula sa ₱13.00 ang regular na pamasahe sa mga tradisyunal na jeepneys sa Pilipinas, para sa unang apat (4) na kilometro.

Ito ay ipinatutupad ng bagong Public Utility Jeepney (PUJ) Fare Guide simula Set. 28 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), matapos tanggalin ng Department of Transportation ang suspensiyon sa mga pagtaas ng pamasahe sa Pilipinas na inapruba rin ng LTFRB.

₱2 naman ang dagdag-pamasahe sa minimum fare kapag lumampas sa apat (4) na kilometro ang distansiya o layo ang byahe ng isang pasahero, simula pagsakay ng jeepney.

Pero may mandatory discount pa rin ang mga estudyante, elderly o senior citizens, at may mga kapansanan o PWDs. ₱11.25 ang kanilang babayaran sa mga jeepneys para sa unang apat na kilometro, na kailangang dagdagan ng ₱1.60 sa dagdag na distansiya o layo.

Ang Jeepney ay hindi katulad ng multi-cab pero pareho silang Public Utility Vehicles (PUVs).

Noong Marso pa dapat tataas ang mga pamasahe sa pampublikong transportasyon pero pinigilan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa sigalot sa Middle East.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *