Ligtas ang mga sakay ng Peñafrancia II
Photo Courtesy: Philippine Coast Guard
Repetek News
Na-rescue ang 58 passengers at crews ng MV Virgen de Peñafrancia II na tumagilid at lumubog ang kalahati nito sa Real Port sa Barangay Ungos, Bayan Real, Quezon nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 30.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ’tilted’ ang kanang bahagi ng barko sa layong 10 metro mula sa pantalan.
Nailigtas ang mga 40 sakay at 18 crew members ng barko, kabilang ang dalawang sanggol, bandang 3:30 ng madaling araw.