Kahandaan kontra El Niño sa Palawan
Photo Courtesy: REPETEK
Ni Albert Villamor Jr.
Magtulungan ang lahat, o whole-of-government approach, sa paghahanda sa epekto ng El Niño sa bawat sektor sa Palawan.
“So, this time, our main direction is to adopt a whole-of-the-province approach. We will look into, we will collect the efforts that are ongoing, efforts that have been programmed by your agencies, sa inyong mga offices, at kung ano ba yung kakulangan, we will identify per sector so that makita natin yung whole picture ng gagawin, ng ginagawa ng provincial government,” ani PDRRM Officer Jeremias Y. Alili sa Technical Working Group (TWG) Writeshop for the Provincial El Niño Response Action Plan, Oktubre 27.
Dapat daw solusyunan ang posibleng kakulangan sa paghahanda sa pagharap ng lalawigan sa El Niño.
Dapat ding ipagsama-sama sa iisang plano ang mga aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan, national at regional agencies, academe, mga lokal na pamahalaan, at iba pang sektor na may kinalaman, ayon kay Alili.
Sa naturang TWG Writeshop for the Provincial El Nino Response Action Plan, pinagsama-sama ang tanggapan ng kapitolyo, mga ahensiya ng pamahalaan, academe, at ang mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan (LGU) upang talakayin ang paghahanda ng bawat sektor sa El Nino, para matiyak na ang kanilang mga hakbang sa epekto ng El Niño ay magkakaugnay.
Sa event, bumuo rin ng mga sectoral action plan kada cluster at pagsasama-sama ng mga output para sa pagbuo ng Provincial El Niño Response Action Plan.
Tinapos na rin ang draft Executive Order para sa Provincial El Niño Task Force (PETF)-Palawan para sa koordinasyon at tungkulin ng mga kinauukulang cluster at ahensiya.
Isinagawa ang TWG Writeshop sa AKC Country Home, na pinangunahan ng binuong PETF sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).