PHOTO | NSC PHILIPPINES

Ni Ven Marck Botin



KINONDENA ng National Security Council (NSC) ng Pilipinas ang agresibong aksiyon ng bansang Tsina sa resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nakatalagang sundalo ng bansa sa Ayungin Shoal.

“…the harassment, dangerous maneuvers, and aggressive conduct of the vessels of the China Coast Guard (CCG) and Chinese Maritime Militia (CMM) against our public vessels took place again during the conduct of routine and regular operations well within our nation’s Exclusive Economic Zone (EEZ),” pahayag ng ahensya.

Binigyang-diin din ng ahensya na ang operasyon ay alinsunod sa lehitimong pagkilos ng Pilipinas sa hurisdiksyon nito sa WPS na nakabatay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at 2016 Arbitral Award.

“The Task Force strongly deplores and condemns the continued illegal, aggressive, and destabilizing conduct of the CCG and the CMM within our nation’s EEZ,” dagdag ng ahensya.

Author