BINAWIAN NG BUHAY ang 28-anyos na si Alyas “Kakay” matapos saksakin ng kaniyang ka-live in partner na 77-anyos sa Brgy. Antipuluan, bayan ng Narra, Palawan, nitong umaga ng Huwebes, Marso 13.

Ayon sa himpilan ng Narra Municipal Police Station, boluntaryong sumuko sa kanilang istasyon ang suspek dala ang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Nang siyasatin ng mga otoridad ang tahanan ng magka-live in partner, dito na nadiskubre ang walang buhay na katawan ni Alyas “Kakay” na may saksak sa likurang bahagi ng katawan nito.

Ayon sa suspek, paulit-ulit umanong kinukuha ng biktima ang pera ni Alyas “Aga” na naging dahilan para saksakin nito ang kaniyang live-in partner hanggang sa mawalan ng buhay.

Dahil dito, mahaharap sa kasong pagpatay o murder ang 77-anyos na suspek na kasalukuyang nasa himpilan ng Narra MPS para sa tamang disposisyon nito.

Author