Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Uncategorized
  • 2 menor de edad, huli sa pagnanakaw at iligal na droga sa El Nido
  • Uncategorized

2 menor de edad, huli sa pagnanakaw at iligal na droga sa El Nido

Repetek News

June 5, 2025 2 minutes read
503896764_1185520130253581_7365713312153078068_n

NATIKLO ng mga awtoridad sa covered gym ng Barangay Maligaya sa bayan ng El Nido ang dalawang Children in Conflict with the Law (CICL) matapos silang maakusahan ng pagnanakaw at makumpiskahan ng iligal na droga bandang 1:30 ng madaling araw ng ika-31 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng Palawan Provincial Police Office (PPO), itinimbre ng concerned citizen ang impormasyon hinggil sa insidente ng pagnanakaw bandang 12:30 ng hating gabi ng araw ring iyon. Mabilis naman tumugon ang mga awtoridad sa pangunguna ng El Nido Municipal Police Station (MPS) para rumesponde sa dalawang CICL sa nasabing lugar.

Positibo naman kinilala ng biktima ang mga kabataang sangkot sa tulong ng kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at isang opisyal ng barangay.

Matapos ang operasyon, iba’t ibang bagay ang narwjober mula sa dalawang menor de edad, kabilang ang mga electronic devices, pera, at hinihinalang iligal na droga.

Nakuha sa unang CICL ang isang unit ng kulay black/blue na iPhone, tatlong perang papel ng Indonesian currency, dalawang piraso ng pakete na naglalaman ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana na may timbang na 1.4 gramo na nagkakahalaga naman ng P350.00.

Dagdag pa rito ang isang kahon ng Winston cigarette na may dalawang stick, at isang unit ng iPhone na may itim na casing.

Nakumpiska naman sa pangalawang CICL ang pera na nagkakahalaga ng P2,500, at isang pakete rin na naglalaman ng tuyong dahon na hinihinalang marijuana na may timbang na 1.5 gramo na nagkakahalaga ng halagang P400.00.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng pulisya ang kaukulang dokumentasyon para sa kaso habang nasa kustodiya naman ng kinauukulang ahensya ang mga kabataang nasangkot upang tiyakin ang tamang proseso alinsunod sa batas na nagpoprotekta sa mga CICL.

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Babae, patay nang saksakin ng ka-live in partner
Next: HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Related News

Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
download
  • Uncategorized

Pagbaba ng singil sa kuryente, nilagdaan

Repetek News

September 19, 2025
1
  • Uncategorized

Hiling para sa public cemeteries, perimeter walls, 2 funeral vans

Repetek News

August 20, 2025

Recent Posts

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • 2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • 2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

You may have missed

KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • Metro Puerto
  • Police Report

KRITIKAL SA ROAD CRASH

Repetek News

July 7, 2026 0
1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0
1783458944347
  • Palawan Affairs
  • Police Report

2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA

Repetek News

July 7, 2026 0
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.