‘IP Bahay Pulungan’ sa Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Noong Oktubre 26, nagkaroon ng turn-over ceremony para sa kauna-unahang ‘IP (Indigenous Peoples) Bahay Pulungan’ na matatagpuan sa Bgy. Salvacion, bayan ng Busuanga, Palawan.
Ayon kay Busuanga Mayor Raymond “RC” Cruz, may silbi ang Bahay Pulungan.
“Ito ay hindi lang isang lugar ng pagtitipon, kundi isang tahanan ng kultura, tradisyon, at pagkakaisa n gating mga kapatid na katutubo,” ayon sa kanyang mensahe sa turn-over ceremony.
Ang iba pang silbi ng IP Bahay Pulungan para sa mga katutubo ay isang lugar kung saan sila ay maaring magtipon, mag-usap, magbahagi ng saloobin, at mapanatili ang mga kaugalian at tradisyong minana pa sa mga ninuno; ayon sa Busuanga Information Office (BIO).
Isa rin daw itong mahalagang espasyo para sa pagkakaisa, pakikilahok, at pagpapalakas ng tinig ng mga katutubo sa kanilang pamayanan.
Ayon pa rin sa BIO: patuloy nating pangalagaan ang ating kultura at pamana, sapagkat bahagi ito ng yaman at pagkakakilanlan ng Busuanga.