Mas pinalaking Legend’s Ride sa mga susunod na taon
Photo Courtesy: FB/Legend's Ride Palawan
Ni Clea G. Cahayag
Target ng mga organizer na mas palakihin pa ang Legends Ride sa susunod na taon.
Ayon kay Event Chairman Dr. Kevin Matthew Reyes, nais nilang pagandahin at palawakin pa ang aktibidad kada taon upang mas marami pang motorcycle enthusiasts ang makiisa sa mga susunod na Legends Ride.
“Ang goal natin s’yempre we want to make everything better. Hopefully, every year, paganda nang paganda, palaki nang palaki. Ngayon marami tayong locals, sana by next year, the locals are still there plus more of our friends from Luzon, Visayas, and Mindanao to come here and join the Legends Ride here in Palawan. Next year ‘yun ang target natin, gawin nating mas malaki at maganda next year,” ani Reyes.
Ngayong taon, nakapagtala ng mahigit 300 partisipante sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa karaniwang 200 kalahok ang kanilang inaasahang bilang.
“More than we are expecting kasi usually it’s always 200 [participants]. We hitting always 200. This is the first time we hit more than 300 participants. So sobrang happy kami. A lot of people participated in this event,” dagdag pa niya.
Layunin ng Legends Ride na makatulong sa pagpapasigla ng turismo sa lungsod ng Puerto Princesa. Umaasa si Reyes kapag mas maraming turistang dadayo sa lungsod, posibleng bumaba rin ang gastos sa transportasyon dahil sa mas mataas na demand at mas maraming serbisyong maaaring magbukas.
Nagpasalamat rin ito sa suporta ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang aktibidad.
Samantala, bukas din ang mga organizer sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan upang mapalawak pa ang Legends Ride.
“We want buong Palawan ang magbenefit so we have to start somewhere since taga dito kami sa Puerto Princesa, we start here then we expand. Hopefully by next year we will talk with the Provincial Government and will be able to expand the event baka hindi lang Puerto Princesa loop baka mayroon nang North and South loop. We’re open for discussion after ng event na ito,” ayon pa kay Reyes.
Ayon naman kay City Councilor Patrick Hagedorn, napag-usapan nila ni Mayor Lucilo Bayron na tutulong ang city government sa pagpapalawak ng Legends Ride.
“Actually nu’ng nag-usap po kami ni Mayor Lucilo Bayron dapat daw po next year mas pahabain pa ang Legends Ride at tutulong daw po ang City Government,” pahayag ng konsehal.