PHOTO| PHILIPPINE COAST GUARD

Ni Ven Marck Botin

“The Philippines fully supports adherence to international law and the rules-based order. We must oppose the dangerous use of coast guard and maritime militia vessels in the South China Sea. We are concerned over illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing, and the militarization of reclaimed features in the South China Sea…”

Ito ang naging pahayag ng pangulo kaugnay sa pangha-harass ng mga Tsinong naglalayag sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) laban sa resupply ships at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naghahatid ng supply sa mga nakatalagang tauhan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.