November 26, 2026
FB_IMG_1795701428668

Photo Courtesy: Jerald Gales

Ni Rodolfo Idusora

Pera at relo. Ang ilan sa mga natangay ng akyat-bahay sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City, kamakailan.

Ibinahagi ni Gracia Delos Reyes Rogel sa kaniyang sa social media ang naganap na pagnanakaw sa bahay ng kanyang ina.

Aniya, ilang araw na umanong nagmamasid sa mga kabahayan sa lugar ang suspek.

Kinilala ang hinihinalang suspek sa alyas na “Dodoy Panghi,” na umano’y residente ng Baltan, Barangay San Miguel.

Iniulat na sa Police Station 1 at mga opisyal ng barangay ang pagnanakaw. Natukoy na rin ang suspek sa tulong ng closed-circuit television (CCTV) sa naturang bahay.

Pinuntahan ang suspek sa kanilang bahay ngunit sinabi ng kanyang mga magulang na kaaalis lamang at hindi nila alam kung saan nagtungo ang binata.

Nanawagan ang pamilya ng biktima sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung may makakakita o makakakilala sa nasabing suspek.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *