Bukas na para sa mga turistang mahilig sa ‘new adventures’ ang pitong-araw at anim na gabing travel expedition sa iba’t ibang isla sa West Philippine Sea.
Kahapon, pinasinayaan na ng Kalayaan Tourism Development Center ang kanilang kauna-unahang Pista ng Karagatang Kanluran.
Sa ulat ng Spratly Islands, Kalayaan Tourism Facebook page, magsisimula ang paglalakbay ng kanilang programang “The Great Kalayaan Expedition 2023” sa Lungsod ng Puerto Prince, Palawan na kung saan ay ‘cover’ ng paglalakbay ang limang destinasyon, kasama ang Lawak Island, Patag Island, at ang sikat na bayan ng Pag-asa Island.
Sa halagang 120,000.00 pesos ay maaari munang mapasyalan ang West Philippine Sea sa loob ng pitong araw. Kasama sa serbisyong babayaran ang pagkain, water sports gear, internet, bar, at pati na rin ang massage.
Ano pang hinihintay niyo? Bisitahin na ang West Philippine Sea!
(Kuhang larawan / Western Command Armed Forces of the Philippines, West Philippine Sea)