August 21, 2026

𝗗𝗲 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀, 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗸𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗱𝗮𝗹𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘄𝗶𝗺𝗺𝗶𝗻𝗴

344934965_1402484803938274_3896394357003442181_n

Limang (5) gintong medalya at isang (1) silver ang nakuha ni Senjo Nel De Jesus sa larangan ng paglalangoy sa katatapos lang na Palarong Panlalawigan na ginanap sa bayan ng Bataraza, Palawan.

Sa Facebook post, masayang ibinahagi ni Island Girl TV ang nakamit ng kaniyang kapatid sa swimming competition.

“[Ay, grabe rin talaga ‘yan!😍 5 golds, 1 silver. Congratulations, kapatid!!! Grabe, grabe kana😂 nakakaproud naman!❤ Provincial meet 2023″ saad ni Island Girl TV.

“Road to Mimaropa meet!”, dagdag ni Island Girl TV.

Author