₱16.80 na rollback sa gasolina, magpapababa ng inflation ngayong Nobyembre
Photo Courtesy: Repetek
Ni Albert Villamor Jr.
Maaring pababain ng major na pagbaba ng presyo ng gasolina ang inflation ngayong Nobyembre.
Noong Nob. 10, bumababa ng ₱16.80 kada litro ang presyo ng gasolina na inanunsyo ng Department of Energy, na nakikitang magpapababa sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Evelyn D. Valdez, Officer-in-Charge/Acting Area Director ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)- Puerto Princesa City Branch, maapektuhan ng ₱16.80 na rollback sa presyo ng gasolina ang mga production cost o gastos sa produksyon.
“Alam natin na kapag ang nagbago kasi ng presyo ay gasolina, lahat nu’ng mga production cost po natin sa ibang production cost ng mga produkto, gumagalaw [r]in kapag ito ang bumababa iyong presyo,” ani niya.
“Hopefully makatulong iyon [rollback], para at least ma-temper iyong pagtaas po ng inflation rate po natin,” dagdag pa niya.
Bumaba rin ang presyo ng diesel ng ₱ 4.10, samantalang ang kerosene naman ay ₱ 3.70.