November 6, 2026

P7-B pondo ng Puerto Princesa, sinimulan nang busisiin

0
FB_IMG_1793968490179

Ni Rodolfo Idusora

Sinimulan nang busisiin ang panukalang 7.09-bilyong pisong pondo ng Puerto Princesa City Government para sa taong 2027.

Nitong Nobyembre 4, nagkaroon ng budget deliberation ang Committee on Appropriations na pinamunuan ni Committee Chair at Councilor Modesto “Jonjie” Rodriguez II.

Umabot sa kabuuang ₱7,093,967,150 ang panukalang pondo ng lungsod na paglalaanan ang iba’t ibang programa at serbisyo para sa susunod na taon.

Kabilang sa mga unang sinuri ang panukalang mahigit ₱535 milyon ng City Health Office (CHO), kasama ang dagdag na pondo para sa Drop-In Center.

Mayroong ₱5,687,507 na total budget ang Drop-In Center ngayong 2026, na tataas sa mahigit ₱8 milyon upang masuportahan ang operasyon at mga serbisyo ng pasilidad.

Nauna na ring inilaan sa ilalim ng City Engineering Office ang pondo para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Drop-In Center sa Magarwak, Barangay Santa Lourdes.

Sa naturang deliberation, naglaan din si City Vice Mayor Peter Maristela ng pondo mula sa sarili niyang budget para sa isang taong sahod ng isang medical technician na itatalaga sa City Health Office.
Pinasalamatan naman ito ni City Health Officer Dr. Rick Panganiban.

Samantala, aprubado na rin sa committee level ang panukalang ₱1,350,332,516 na budget ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Magpapatuloy ang pagsusuri ng Sangguniang Panlungsod sa mga panukalang pondo ng iba’t ibang tanggapan bago ang pinal na pag-apruba sa 2027 Annual Budget ng lungsod.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *