November 6, 2026
FB_IMG_1793928287773

Repetek News

Hindi siya nakinabang sa kontraktok. Iyan ang tahasang inihayag ng dating gobernador Jose Chaves Alvarez na ngayo’y Kongresista ng Ikalawang Distrito ng Palawan.

“Makinabang ako sa kontraktor?,” mabilis na sambit ng kongresista.

Aniya, “Hindi totoo ‘yun. I can say that with all candidness; Discaya,St. Timothy, St. Gerrard— wala . Zero ‘yan sa akin,” pahayag pa ng kongresista.

Matatandaang nag-ugat ang usapin mula sa isang social media post kung saan ang St. Gerrard Construction, isa sa mga kumpanya ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, ang umano’y isa sa mga nabigyan ng kontrata upang gawin ang bahagi ng proyektong superhighway.

“I can state categorically [r]ito sa inyo, maski isa, wala akong nalaman na ‘yung mga Discaya ay mayroong proyekto rito sa Palawan,” ang direktang sagot ng Kongresista ukol sa ₱30 bilyong 6-lane superhighway project sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Gobernador ng Palawan taong 2017.

Pinabulaanan din niya ang akusasyon na umano’y nakinabang siya sa naturang bilyun-bilyong proyekto.

Giit niya, walang proyekto ang Discaya noong siya ang nakaupong Gobernador dahil hanggang ₱50 milyon lamang ang maaaring i-bid ng district engineer para sa isang probinsya. Aniya pa, ang mga malalaking proyekto na umaabot sa 30 bilyong piso ay ginagawa sa Kamaynilaan at wala siyang kontrol doon.

“So, ‘yung mga program ng mga 6- lanes highway na ‘yan, doon yan sa region. Panahon ko, wala ‘yang Discaya,” ani Alvarez.

“‘Yung sinasabi nila si Gardiola. Maraming kontrata rito, doon ‘yan ang bidding sa Manila, wala akong kontrol d’yan…pero ang mga Discaya, during my time, maski isang kontrata—wala,” paliwanag pa niya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *