Panawagan sa mga kaanak
Photo Courtesy: Kap. Adato
Repetek News
PUBLIC SERVICE: Ipinanawagan ni Bgy. Model Captain Henry D. Adato sa publiko partikular sa mga kamag-anak o kapamilya na kasalukuyang nasa Mendoza Park sa Lungsod ng Puerto Princeda si Ginoong Bernard Caabay Maat.
“Sa mga nakakakilala kay Bernard Caabay Maat, nandito po siya ngayon sa Mendoza Park. (Sa) ilalim ng monument ng ating bayaning si [Dr. Higinio Acodta Mendoza Sr.,” panawagan ni Adato sa kaniyang Facebook post.
Ayon pa kay Adato, pagkain lamang ang kaya niyang ibigay kay Maat. “Dahil sabi niya, ‘yan lang daw ang kaylangan niya para lumakas”.
“Nakikiusap siya na sana mapuntahan siya ng mga kamag-anak at makuha,” ayon pa sa opisyal.