November 7, 2026
FB_IMG_1794018687432

Ni Albert Villamor Jr.

Mula Nob. 1, taong kasalukuyan hanggang Enero 31, 2027, bawal ang panghuhuli ng Galunggong o Roundscad sa Northern Palawan para maprotektahan ang mga ito sa kanilang pangingitlog o panganganak.

Ayon sa Philippine Fisheries Code, ang Closed Season ay pagbabawal sa panghuhuli ng isang uri ng isda gamit ang iilang pinagbabawal na kagamitan sa panghuhuli.

Ipinagbabawal ang paggamit ng purse seines (pangulong), ring nets, at bag nets sa panghuhuli sa mga isda habang nasa ilalim ng closed season sa panghuhuli ng mga Galunggong sa mga conservation area sa Northeast ng Palawan lalo na sa Northern Sulu Sea.

“The purpose of the closed fishing season is to give galunggong time to grow and reproduce in order to sustain their population. It also helps maintain healthy marine resources, supports the long-term livelihood of coastal communities, and ensures an adequate fish supply for current and future generations,” ayon sa BFAR Mimaropa sa isang advisory.

Kung susuwayin, ang aksyon ay lalabag sa Republic Act No. 10654 na inamyendahan ang Philippine Fisheries Code of 1998. May karampatan itong kriminal o administratibong parusa ang magiging paglabag.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *