November 11, 2026

Gob. Alvarez: bagong transmission lines, renewal energy para sa Palawan

0
FB_IMG_1794361368393

Ni Albert Villamor Jr.

Para mapainam ang serbisyong pang-elektrisidad sa Palawan, magtatayo ng bagong transmission lines kasama ang pag-i-explore ng renewable energy ng Palawan.

Ayon kay Gob. Amy Alvarez, iisa lang ang transmission ng Palawan.

“Kung sa Bataraza kung mawala [ang kuryente] hanggang pataas; several municipalities are affected. So we’re trying to make it into three areas na lang para hindi na rin buong apektado within the next three years po iyan,” ani Gob. Alvarez.

Makatutulong ang pagpapatayo ng mga bagong transmission lines sa pagsaayos ng daloy ng kuryente. Pero hindi nabanggit ni Gob. Alvarez ang eksaktong lugar na pagtatayuan ng mga ito.

“Gawa ng feasibility study, I think tapos na po. Maharlika [Investment Corporation] will fund the construction of the new transmission lines, the new grid ng Palawan. This grid will be ready to accept power from the main grid kasi, as of now, hindi po sapat iyong powerlines po natin kung mag-connect po tayo sa main grid po natin sa Metro Manila po,” sabi niya.

Target din na i-explore ang renewable energy para “eventually” ay mapalitan na ang mga Generator Sets, Bonker Fuels sa Palawan.

“I think were going through talks right now of having eventually with some companies para lang maka-establish sila dito and have a bigger baseload for the whole Palawan,” ani Gob. Alvarez.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *