November 11, 2026
FB_IMG_1794362008245

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Rodolfo Idusora

Dinakma ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office–Police Station 2 (PPCPO-PS2) ang 38-anyos na lalaki na wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Isinagawa ang pag-aresto bandang alas-1:20 ng hapon nitong Nobyembre 8, sa Irawan Transport Terminal and Public Market, Barangay Irawan, Puerto Princesa City.

Ipinag-utos ni Judge Panfilo Intud Sala Jr. ng Regional Trial Court Branch 165 sa Brooke’s Point, Palawan, ang mabilis na pagkakahuli ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5(B) ng RA 7610 na may Criminal Case No. 24961 at inirekomendang piyansang P80,000.

Dinala ang suspek sa Police Station 2 sa Barangay Irawan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon kay PCPT Victor D. Lovido, Officer-in-Charge ng PS2, patuloy nilang tutugisin ang mga wanted person upang maiharap ang mga ito sa korte at mapanagot sa kanilang kinakaharap na kaso.

Tiniyak din ng himpilan na ipatutupad ang mga warrant of arrest alinsunod sa batas at paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *