November 16, 2026

‘Para mapadali ang pagtanggap ng tulong mula sa kapitolyo’

0
FB_IMG_1794747599286

Photo Courtesy: PIO Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Provincial Government of Palawan at ang Palawan Group of Companies, Nob. 10, sa Kapitolyo.

Sa kasunduan, magiging karagdagang pamamaraan ang ‘PalawanPay’ at ‘Palawan Express Pera Padala’ para sa pagtanggap ng mga insentibo, allowance, at iba pang tulong mula sa Provincial Government of Palawan ng mga kwalipikadong indibidwal o recipients.

Layunin nitong mabawasan ang pangangailangang bumiyahe pa patungong lungsod ng Puerto Princesa, lalo na para sa mga benepisyaryong mula sa malalayong munisipyo at island communities, ayon sa Provincial Information Office (PIO)-Palawan.

Pinangunahan ang paglalagda ng MOA ni Gov. Amy R. Alvarez para sa Provincial Government of Palawan, samantalang sina Founder/Chairman Bobby Castro at Co-Founder/Deputy Chairman Angelita Castro ang kinatawan ng Palawan Group of Companies.

Ang naturang kasunduan ay bahagi ng patuloy na hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan na gawing mas accessible ang paghahatid ng serbisyo at assistance sa mga Palaweño, ayon pa rin sa PIO-Palawan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *