November 15, 2026

Transaksyon sa pribadong sektor o gobyerno: sapat ang isang gov’t valid ID

0
FB_IMG_1794705872603

Ni Albert Villamor Jr., LPT

Hindi mo na kailangang magpakita ng dalawang balidong IDs (Identification Cards) sa mga transaksyon, lalo na sa gobyerno at pribadong entity. Kung may isa kang valid ID na tulad ng National ID, sapat at dapat ay approved na ito.

Kung hihingan ka pa rin ng dalawang valid IDs para lang makapag-transact, maaring i-report ito sa The Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Sa ilalim din ng Philippine Identification System Act, kapag hindi tinanggap ang iyong National ID na walang katanggap-tanggap na rason ay kamulta-multa ito ng P 500,000. Sinasalamin nito ang Philippine Identification System Act (Republic Act No. 11055), at Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act (Republic Act No. 11032).

Ayon kay ARTA Director General Secretary Ernesto Perez, ang pag-require ng dalawang balidong ID sa mga transaksyon ay tapos na o “thing of the past”.

Sa kanyang panayam sa ‘Unang Hirit’ na morning show ng GMA Network, kinumpirma ni Perez na hindi na talaga ngayon kailangan ng dalawang valid ID sa mga transaksyon sa gobyerno o bangko; lalo pa kung may National ID ang isang indibidwal.

“Inaksyunan po natin ‘yan ‘yung requiring two valid IDs. Bawal na po ‘yon. One valid ID is already sufficient. Lalo na po ‘yung ating National ID. It’s already considered a valid ID,” ayon kay Perez.

“Kung meron pa rin po kayong ganiyan na experience, mga kababayan, na any government agency, even banks, requiring two valid IDs, i-reklamo po ninyo at makakaasa po kayo na mareresolba natin,” dagdag niya.

Pero paano kung wala kang National ID?

Tatanggapin pa rin ang ibang valid IDs na in-issue ng gobyerno katulad ng: passports, driver’s licenses, PRC IDs, UMIDs, GSIS e-Cards, senior citizen IDs, at PWD IDs; pero maging handa ka lang kapag hiningan ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan mo, depende sa klase ng transaksyon mo.

Salamat sa Spot PH at GMA News sa tulong para matapos ang artikulong ito.

Alam mo na ngayon, mahal kong mambabasa!

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *