Senior citizen, 2 babae, sugatan
Ni Rodolfo Idusora
Isinugod sa magkakahiwalay na ospital nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo nitong umaga ng Lunes, Nobyembre 16, sa boundary ng Barangay Sta. Monica at Barangay Sicsican, Lungsod ng Puerto Princesa.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng mga saksi, magkasalungat umano ang direksiyong tinatahak ng dalawang motorsiklo nang maganap ang banggaan.
Agad na isinugod sa Adventist Hospital ang lalaking senior citizen, habang dinala naman sa Ace Hospital ang dalawang babaeng nasugatan sa insidente.
Hindi pa batid ang kasalukuyang kondisyon ng mga biktima.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng aksidente at pagkakakilanlan ng mga sangkot.
Abangan ang karagdagang detalye!