November 29, 2026
FB_IMG_1795871684783

Ni Albert Villamor Jr.

Umani na ng 150 kilos na tilapia ang mga miyembro ng Farmers Proper Association (IFAPA) ng Barangay Itangil, Dumaran, Palawan, noong Nob. 22.

Marami pang iha-harvest na mga Tilapia ang IFAPA sa mga susunod na mga araw o linggo. Inaantay na lamang na lumaki ang mga isda nang sakto at tama.

Malaking tulong din ang pagko-culture ng mga Tilapia sa Itangil, Dumaran, dahil malayo ito sa dagat at maging sa palengke; isa itong alternatibong mapagkukunan ng mga isda na mura at fresh.

Bunga ang pag-aani ng pagsasabuhay ng mga kaalaman at kasanayan na ibinahagi ni Mr. Ferdinand B. Lim, Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD), sa mga miyembro ng IFAPA. Isinagawa niya ang ‘Training on Culture of Tilapia in Pond’ noong Hunyo 17-18 na isang technical assistance.

Ang proyekto at training ay sa ilalim ng ‘Tilapia Technology Demonstration Project’ ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Hinihikayat ng BFAR, sa pamamagitan ng naturang proyekto, ang mga magsasaka na subukan ang aquaculture bilang tulong-hanapbuhay habang pinapalakas ang lokal na produksyon ng isda.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *