Asian Fusion Cuisine, matitikman sa Fiasy restaurant
Photo Courtesy: Repetek
Ni Clea Faye G. Cahayag
Binuksan na sa publiko ang ikalawang branch ng Fiasy Restaurant na matatagpuan sa Wescom Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Ayon kay Manager Celesty S. Calinog, ang kanilang bagong branch ay maghahain ng Asian Fusion Cuisine at mas komportableng dining experience sa mga customer.
“Ang pinagkaiba po rito sa bagong branch po namin is makikita n’yo ang ambience sobrang relaxing at fresh air since bamboo. Sobrang mag-e-enjoy kapag nag-dine- in kayo rito,” aniya.
Nagkakahalaga ng ₱399 kada tao ang kanilang buffet na may kasamang litson, iba’t ibang main dishes, soup, desserts at pica-pica.
Available rin ang Ala Carte menu na may solo meals at group meals na pwede sa tatlo hanggang limang (3-5) katao.
Mayroon ding Buy 1 Take 1 promo sa drinks sa halagang ₱200.00 at milk tea na nagkakahalaga ng ₱69.00.
Dagdag pa niya, ang mga customer na makakagastos ng higit ₱750 ay maaaring makasali sa raffle promo sa Disyembre 24 kung saan may pagkakataong manalo ng motorsiklo, washing machine at iba pa.
Ang buffet ay mula 11:00 AM hanggang 2:00 PM, habang ang dinner ay magsisimula ng 5:00 PM hanggang 10:00 PM.
Ani Calinog, bukas sila sa reservation. Ipagbigay-alam lamang sa pamunuan kung mayroon silang food allergies halimbawa sa mani at seafood upang makapaghanda ng alternatibong pagkain.