Kalsada sa Inagawan, under construction na
Photo Courtesy: Repetek
Repetek News
Mahigit siyam na milyong piso ang inilaan ng Pamahalaang Panlungsod sa pagsasaayos ng kalsada o farm-to-market sa Barangay Inagawan, Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa Facebook post ni City Mayor Lucilo R. Bayron, inihayag niyang nilalayon ng proyekto na mabigyan ng maayos na transportasyon ang mga magsasaka at residente ng lugar.
Pinasinayaan ni Bayron ang konstruksiyon noong Nobyembre 17.
Ayon sa alkalde, inaasahang makatutulong ang proyekto sa mas madaling pagbiyahe ng mga produkto at araw-araw na pagbiyahe ng mga residente.
Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱9,995,014.70.