October 19, 2026
FB_IMG_1792395777492

Ni Albert Villamor Jr.

Ipinagdiwang noong Oktubre 16 ang unang taong anibersaryo ng YAKAP (Yaman sa Kalusugan) Center sa Palawan.

Ang YAKAP Center ay matatagpuan sa Kapitolyo na tumutulong sa paghahandog ng tulong-medikal sa mga Palaweño. Pinalitan ng YAKAP Center ang dating PhilHealth Konsulta program.

Sa pagdiriwang, nakita at nalaman ng mga dumalo ang mga impormasyon at mga programang naipatupad ng YAKAP Center sa Palawan sa pamamagitan ng isang audio-video presentation (AVP).

Ayon kay YAKAP Program Manager Carlo A. Buitizon, mahalaga ang patuloy na ugnayan ng lahat ng mga katuwang at tagapagpatupad ng mga programa ng YAKAP Center sa tagumpay nito sa pagsisilbi sa pangangailangan ng mga Palaweño.

Sinasalamin din ng mensahe ni Buitizon ang pambungad na mensahe ni Provincial Administrator Jefrie R. Sahagun.

Nagbigay rin ng mensahe sina Rafael Ortega Jr., Winston Arzaga, Christopher Jake Tan, Al-Nashier Ibba, at Ariston Arzaga, na pawang mga board members ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.

Sa pagdiriwang, binigyang-pugay ang mga naging dahilan at daan sa tagumpay ng YAKAP Center, lalo na ang mga implementers at katulong nila.

Pinangungunahan ni Gob. Amy R. Alvarez ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pagpapatupad ng YAKAP Center para sa kalusugan ng mga Palaweño.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *