October 22, 2026
FB_IMG_1792619793870

Photo Courtesy: PCA

Ni Samuel Macmac

Mahigit isang milyong piso ang ipinagkaloob ng Philippine Coconut Authority (PCA) para sa 226 magniniyog sa Palawan para sa malawakang produksyon ng niyog sa lalawigan.

Umabot sa kabuuang P1,251,250.00 halaga ng cash incentived ang ipinamahagi sa daan-daang coconut farmers mula sa limang (5) barangay sa tatlong (3) munisipyo bilang bahagi ng pagpapatupad ng Massive Coconut Planting Program (MCPP) 2026- Participatory-Based Coconut Planting Project (PCPP) Option II Phase I.

Sa bayan ng Bataraza, tumanggap ang 91 magsasaka mula sa Iwahig at Puring ng P500,500.00. Sa Quezon naman, nasa 94 magsasaka mula sa Pinaglabanan at Maasin ang pinagkalooban ng kaparehong halaga. Samantala, nakakuha ng P250,250.00 ang 41 magsasaka mula naman sa Sofronio EspaƱola.

Kamakailan, ipinamahagi ang abonong asin sa mga magniniyog mula sa apat (4) na barangay ng Aborlan at dalawang (2) barangay ng lungsod ng Puerto Princesa. Umabot sa kabuuang 2,339 sako ng abonong asin ang ipinagkaloob sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *