Human Resources for Health Master Plan sa Palawan
Photo Courtesy: Repetek
Ni Albert Villamor Jr.
Noong Oktubre 12 hanggang ika-16 ng buwan, sa A&A Plaza Hotel, Puerto Princesa City, isinagawa ang Human Resource for Health Master Plan Development Workshop.
Ang limang araw na workshop ay para makabuo ng isang Provincial Health Workforce Plan para sa pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan sa mga Palaweño at mga kawani sa pagpapatupad nito.
Pinangunahan ang workshop ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Center for Health Development (CHD) MIMAROPA, Human Resources for Health Development Bureau (HHRDB), municipal health office, ospital, at iba pang stakeholders.
Sa workshop, tinalakay ang kasalukuyang estado ng mga kawani at mga nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa lalawigan kagaya ng distribusyon, pagsasanay, at mga kakulangan sa workforce.
Bumuo rin ang mga kalahok ng mga estratehiyang nakaayon sa National Human Resources for Health Master Plan 2020–2040 at sa mga pangangailangan ng lalawigan.