October 24, 2026
FB_IMG_1792805161872

Ni Albert Villamor Jr.

Binigyang-diin ni Dr. Rodel S. Magnaye, Assistant Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd)-Palawan, na ang tamang prevention sa mga banta sa seguridad ng mga paaralan ay ang pagbalik ng tamang pag-uugali at disiplina sa mga bata.

“Kahit tayo ay mag-intensify ng security, maglagay ng maraming security guards, maglagay tayo ng maraming metal detectors, mag-install tayo ng CCTV, maglagay tayo ng mga bantay na police visibility, kung ang ugali ay hindi natin maisasaayos, doon tayo magkakaroon ng problema,” sabi niya.

“Sapagkat lagi’t lagi tayong babalik sa kung paano ang bawat bata ay mabibigyan natin ng magang pundasyon upang maging mas mabuting tao. Sana’y katuwang natin ang lahat na mai-revive ang pagiging tunay na Pilipino na may magandang buhay,” dagdag pa niya.

Ang mga magulang ay dapat manguna sa pagsasakatuparan nito.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *