Nag-amok na mangingisda, huli
Photo Courtesy: Repetek
Ni Samuel Macmac
Sa kulungan ang bagsak ng 52-anyos na mangingisda matapos magdulot ng gulo habang armado ng baril sa Barangay Mangsee, bayan ng Balabac, Palawan, nitong Oktubre 20.
Rumesponde ang Marines Mangsee Detachment matapos ipagbigay-alam ng kapatid ng suspek ang insidente. Nadakip ang suspek at agad na isinuko sa Balabac Municipal Police Station (MPS) para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon.
Narekober mula sa suspek ang isang Colt .45 kalibreng baril at magazine na may dalawang bala. Isinailalim sa inventory at tamang proseso ang mga ebidensya. Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Regulation Act para isampa sa Office of the Provincial Prosecutor.
Samantala, hinikayat ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO) ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad iulat ang anumang banta, armadong kaguluhan, o kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.